Maglulunsad ang Philippine Postal Corporation (Post Office) bukas, Pebrero 1, ganap na alas-4:00 ng hapon, ng makukulay na commemorative “Year of the Tiger” stamps bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year 2022, sa Seascape Village, Pasay City.
“We wish the Chinese community peace, prosperity and love,” ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio.
“This event will also give us an opportunity to both Chinese-Filipinos and Filipinos in the country to enjoy and appreciate this celebration in a simple ceremony. I understand that some of the festivities in Manila were postponed for the second time this year due to the threat of the coronavirus,” aniya pa.
Nabatid na ang mga stamps, souvenir sheets at official first day covers ng “New Year 2022: Year of the Tiger Stamps” ay magiging available simula Enero 31 sa Philatelic Counter, Manila Central Post Office sa Liwasang Bonifacio.
Ang mga nais bumili nito ay maaari ring magtungo sa Seascape Village sa mismong launching ceremony nito.
Para sa karagdagang katanungan hinggil sa stamp, maaring tumawag sa (02) 8527-0108 o (02) 8527-0132 at sundan at i-like ang Facebook page na https://www.facebook.com/PilipinasPhilately/ para sa updates.
Ang Chinese Lunar New Year ay nakatakdang ipagdiwang ngayong Pebrero 1, hindi lang sa Asya kundi sa buong mundo. Isa ito sa pinakamahalagang holiday ng taon sa maraming Asian communities sa buong mundo, lalo na sa mga Chinese, Korean, Vietnamese, Tibetan, Mongolian, Malaysian at Filipino heritage.
Ang water tiger ay ang pangatlo sa 12 zodiac animal sign na nauugnay sa Chinese lunar calendar. Tulad ng iba pang mga zodiac sign, ang mga kaugalian ng personalidad at iba pang mga katangian ay madalas na nauugnay sa mga taong ipinanganak sa taon ng isang partikular na hayop.
Ang impluwensya ng kulturang Tsino ay malawak na kinikilala sa bansa, mula sa pagkain ng Chinese food, pakikipag-usap sa mga eksperto sa Feng Shui para sa suwerte, pati na rin sa pagbabasa ng kanilang Chinese horoscope.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA