
Bumida si Stephen Curry sa buwena manong panalo ng Golden State Warriors sa opening ng 2021-22 NBA season. Tinagpas ng Warriors ang Los Angeles Lakers, 121-114.
Naglista ang tinaguriang ‘ The Chef’ ng triple-double performance. Nagtala ito ng 21 points, 10 boards, 10 assists at 3 steals.
Nag-ambag naman si J. Poole ng 20 points, 3 assists at 2 boards. Sa panig naman ng Lakers, bumira si LeBron James ng 34 points, 11 boards at 5 assists.
Bumanat naman si Anthony Davis ng 33 points, 11 boards at 2 assists. Mayroon din itong 2 blocks. Habang si Russell Westbrook ay nagbuslo ng 8 points, 5 boards at 4 assists.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT