
Kinatay ng Golden State Warriors ang Memphis Grizzlies, 101-98 sa Game 4 ng West semifinals. Kaya naman, tangan na ng ‘Dub City’ ang 3-1 lead sa series.
Binuhat ni Steph Curry ang Warriors sa pagtipa ng 32 points. Kasama na rito ang 8 assists at 5 rebounds. Nag-ambag naman si Andrew Wiggins ng 17 points, 10 boards at 2 blocks.
Bumira naman si Klay Thompson ng 14 points, 7 boards at 2 blocks. Sa panig naman ng Memphis, nanguna si Jaren Jackson sa pagtala ng 21 points. Gayundin ng 5 blocks at 5 rebounds.
Di naman nakapaglaro ang star player na si Ja Morant dahil sa tama sa tuhod.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT