
Umabante na ang Golden State Warriors sa 2nd Round ng NBA playoffs matapos papakin ang Denver Nuggets. Sinelyuhan ng Dub City ang intense game, 102-98 sa West Round 1. Bumida sa panalo ng Warriors si Steph Curry. Nagtala ang ‘The Chef’ ng 30 points, 5 boards at 3 assists.
Umalalay naman si Klay Thompson ng 15 points, 9 boards at 4 steals. Sa panig naman ng Denver, sumikwat si Nikola Jokic ng 30 points, 19 boards at 8 assists. habang si DeMarcus Cousins namana ay bumira ng 19 points at 4 boards.
Nagawang makipagsabayan ng Nuggets sa laro. Magkaminsan ay lamang pa nga sila sa Golden State. Ngunit, di nila maapula ang sagot ng home team sa pangunguna ni Curry. Hihintayin na lang ng Warriors ang makakalaban nila 2nd round. Ito ay kung sino ang mananalo sa Memphis Grizzlies at Minnesota Timberwolves.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo