January 19, 2025

Gold ang asinta ng world-caliber Fil-Am breakdancer.. LOGAN PARIS OLYMPICS ANG PAGHAHANDAAN

Ito ang larangan ng breakdancing na pinagtunggalian kahapon sa Ayala Mall Circuit na pinagdausan ng paglulunsad ng Red Bull BC One ni Women’s World Breakdancing Champion Fil Am Logan Elena Edra. (Menchie Salazar)


NARITO na sa Pilipinas ang potensyal na makapaghahandog ng panibagong  gintong medalya sa Olimpiyada para sa bansa.

  Sa sandaling maayos na ang  dokumento para katawanin ni Logan  Edra ang Pilipinas para  sa Paris Olympics sa pagsisikap ni Danceports Federation of the Philippines Becky Garcia ay popokus na si LogistiX sa local at international competitions kasama na ang Olympic qualifying na hakbang para makopo ang ginto sa France.

   Buong-buo ang ekspektasyon ng dancesports community kay Filipina-Americana Logan Edra aka Logistix o Lo,kabataang artist/ atleta mula San Diego at kasalukuyang naka- base sa South Florida.

   Kinatawan niya ang Underground Flow at BreakinMIA.

  Inisponsoran ng Nike ang pinakabatang dancer na si Lo na pumirma din ng kontrata sa Red Bull habang itinutuloy ang kanyang propesyunal na pagsasayaw sa edad na 19

      “At only 19 she has made a name for herself,travelling accross to many countries to battle perform,teach and give back through hip hop as breaking ,choreography ang hip hop freestyle.She strives to push her standards of growth as a human and artist while working to inspire and give back,” wika ni  Monty Mendegario sa panayam sa ginanap kahapon na media launching ng Red Bull BC One Women’s World Breakdancing tampok si Filipino -American na mas kilala bilang BGirl Logistics.Ito ay ginanap sa Urban Arts Festival  na nasa Entertainment Area ng Ayala Mall Circuit sa Makati City kahapon.

    Kumpiyansa si Monty Mendigoria na maiuuwi ni LogistiX ang Olympics  breakdance gold medal upang makatulong aa kampanya ng Pilipinas ng panibagong golden performance ng Filipino sa naturang ultimate sports spectacla sa buong mundo.

   ” Our top breakdancer will surely break his personal record good for a gold medal for the Philippines. Go LOgistiX!      Sa naturang kaganapang ipinamalas din ng mgakalahok na artist ang kanilang husay sa naturang extreme sports at kahandaan sa mga nakakalendaryo sa taong ito tampok ang breakdancing,bmx, exhibits sa dinagsang  circuit .