January 31, 2025

Gobyerno, politiko at botante ang magpapahirap sa Pilipino!

Ano nga ba ang dahilan kung bakit patuloy ang paghihirap ng mga Pilipino?

May tama ba ako sa aking opinyon na ang sarili nating gobyerno at mga ibinotong politiko ang nagdadala sa atin sa kahirapan?

Kung mali ako sa opinyong ito, bakit hanggang ngayon naghihirap pa din tayo? Bakit hanggang ngayon marami pa din ang walang trabaho at walang sariling tirahan? Bakit marami pa din sa ating mga kabataan ay hindi pa din makapag-aral?

Sa tatlong taon ng pamumuno ng kasalukuyang administrasyon eh wala pa ding nangyayaring maganda sa Pilipinas?

Sa halip na gamutin ang sugat, tinatapalan ng band-aid para takpan pansamantala ang lumalalang sugat. Ang mga problemang bumabalot sa araw-araw na pamumuhay tinatakpan ng ayuda. Tinatapalan ng ayuda ang mga walang makain, walang pang- eskuwela at palakihin ang ulo ng mga walang trabaho.

Ito ang gawi ng gobyerno natin mga  Cabalen. Sangkatutak na ayuda, kabi-kabila, tanggap lang tayo ng tanggap kahit pa kunan tayo ng komisyon ni kapitan, ni mayor o ni congressman.

Nahirati na lamang tayo sa panlilimos sa gobyerno at mga pulitiko, kahit pa nakita natin ang tunay na layunin ng mga ito sa kanilang pag-upo.

Patuloy na pagtaas ng gasolina, pangunahing bilihin at lahat ng mga pangangailangan natin.

May ginaw ba tayo para labanan at kontrahin ito. Wala! Kasi paminsan-minsan tayo ay naaayudahan.

Ang ating mga kagalang-galang na mambabatas walang ginawa kundi mag-imbestiga para kunyari may ginagawa.

Nag-iimbestiga sa mga katiwalian sa mga sangay at ahensiya ng pamahalaan ang mga akusado din sa pandarambong!

Hindi pa ba tayo nakakahalata mga Cabalen? Kung bakit nagkakaganito ang pamahalaan? Dahil patuloy nating ibinoboto ang mga miyempro ng political dynasty.

Ang pag-upo sa gobyerno at isang familiy corporation. Hindi na nasiyahan sa pagkakaupo nila pinapasok pati ang partylist!

Malapit na tayong lumunok ng agimat, baka sakali makaahon tayo sa hirap. Kasi po mga Cabalen, magbibigay ng kapangyarihan ang agimat. Ang LPG, may may naitulong na ba sa atin? Bumaba na ba ang presyo ng LPG? Lalo pa ngang tumaas.

Sana madala na tayo mga Cabalen. Huwag nating pansinin ang mga namamayagpag para palawigin ang political dynasty.

Si Mam nagtuturo, isang marangal na trabaho pero pumasok sa pulitika nakalimot na sa sarili. Parang namimitas na lang sa ubasan.