November 3, 2024

Gobyerno, agarang sasaklolo sa Cagayan Valley at Isabela; Pangulong Duterte, may posibilidad na bumisita

Sinisiguro ng Malacañang sa mga taga- Cagayan Valley at Isabela, na tutuparin ni Pangulong Duterte ang kanyang pangako.

Habang bumabangon pa ang ilang lugar sa bansa sa epekto ng mga dumaang bagyo, pagtutuunan ng pansin ng Pangulo ang Cagayan.

Ito ang ipinaabot ng Pangulo sa pamamagitan ni Presidential spokesman Harry Roque, pagkatapos malaman ang malalang sitwasyon sa Cagayan. Kung saan, malubha ang paglubog ng bayan sa baha.

Kawawa ang mga tao roon na humihingi ng saklolo sa kinauukulan. Pahayag ni Roque, sisikapin ng gobyerno na magpadala ng tulong at maayudahan ang mga residente sa Cagayan Valley at Isabela.

Sinabi rin ni Roque na ikinalungkot ng pmahalaan ang kalagayan ng mga natuurang bayan.

 “Siyempre po siya po ay nalulungkot at… ang problema nga po natin merong nagaganap ngayon na ASEAN. Pero ang Presidente po nakatutuok diyan sa problema Region II (Of course who is sad about it,” aniya.

Pero ang ating binibigyan ng kasiguraduhan, the President is on top of the situation,” dugtong nito.Dagdag pa ni Roque, ang Pangulo ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa ilang kagawaran.

Kabilang na  ang National Defense (DND), Social Welfare and Development (DSWD), Health (DOH), at Public Works and Highways (DPWH); at sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sinabi rin ni Roque na may posibilidad  na magpunta ang si Pangulo sa binahang Cagayan Valley at Isabela,  kahit na  abala ito sa  iskedyul. Madalas naman aniyang ginagawa ng Pangulo kapag may kalamidad.

Yan naman po ay nakaugalian na ng ating Presidente. Siya po ay nag-aerial survey dito sa Metro Manila. Inaasahan po natin na, aniya.