AANGKAT ang pamahalaan ng tatlong million doses ng DPT vaccine mula sà Serum Institute of India.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa nauna na silang umorder ng nasa 4 million doses ng Pentavalent vaccine mula sa nasabing bansa ngunit aabutin ng 120 araw bago dumating o posibleng sa Hulyo pa ito makuha.
Nalaman sa Kalihim na hanggang buwan na lamang ng Mayo ang suplay mg bakuna kontra pertussis kaya hindi maaaring mawalan ng suplay.
Agad aniyang ipruproseso ang certificate of product registration mula sa Food and Drugs Administration para magamit agad ang nasa 3 million doses ng mga DPT vaccines para sa mga bata.
Iginiit ng health chief na importante na mabakunahan kaagad ang mga bata upang maiwasan na tamaan ng pertussis lalo na’t 49 na mga bata ang nasawi.
Target naman nila na mabakunahan ng mga bakuna kontra pertussis ay mga bata na nasa limang taong gulang pababa at ilan sa mga babagsakan ng suplay ng DOH ang National Children Hospital, Philippine Childrens Hospital at East Avenue Medical Center.
Samantala, sa harap nang mataas na kaso ng tigdas sa rehiyon, mamadaliin ng DOH ang bakunahan kontra tigdas sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Sinabi ni Secretary Herbosa na epekto ito ng vaccine hesitancy sa rehiyon dahil maraming magulang ang natatakot pabakunahan ang kanilang mga anak.
Ngunit ayon kay Herbosa, nagsimula na ang kanilang pinaigting na vaccination drive sa mga bata sa pakikipagtulungan nh BARMM government.
Sa ngayon aniya ay daan-daang libong mga bata na sa BARMM ang nabakunahan laban sa tigdas ngunit malayo pa sa mahigit isang milyon na batang target mabakunahan. Sa pinakahuling data ng DOH, mahigit pitumpung porsyento ng mga kaso ng tigdas sa bansa ang nagmula sa BARMM na nasa 592 mula nang pumasok ang taon.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA