December 24, 2024

‘GO MANILA’ APP INILUNSAD; ONLINE PAYMENT NG MANILA CITY HALL, MAS PINALAWAK

PUWEDE ka ng magbayad ng komportable habang nasa loob ng pamamahay kahit anong araw, kahit anong linggo nang walang abala para  gumastos sa pamasahe o magpa-gas, iwas trapik pa at higit sa lahat ay makaiwas na malantad sa COVID-19.

Ito ang ilan sa kahalagahan ng pag-avail sa online payment system na inilunsad ng lokal na pamahalaan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Ayon kay Moreno mariin niyang hinihikayat ang mahigit sa 370,000 real property owners at nasa 50,000 business establishment operators na magbayad sa pamamagitan ng online na walang hassle keysa pumunta sa City Hall kung saan pupuwede silang malantad sa panganib ng virus.

Hinikayat ng alkalde ang lahat na mayroon nang bagong sistema ng pagbabayad sa pamamagitan lamang ng pag-download sa kanilang cellphone ng ‘GO MANILA’ app (aplikasyon) para sa mas ligtas at walang hirap na business dealings sa lokal na pamahalaan.

Sinabi rin niya na ang online payment ay maaaring magbayad anomang oras at ‘di na kailangan pang makipaghabulan ang mga taxpayers sa deadline na 5:00 pm closing ng mga tanggapan sa city hall.

“The  said mobile app provides a fast, effective and convenient manner of various services to the public and a more secure and cost-effective means to access a full range of payments and financial services that now reaches not only the constituents of the City but even those already residing abroad,” ani Mayor Isko.

Nabatid na dinaragsa ng pagbati ang kanyang tanggapan mula sa mga taga-Maynila na nasa ibang bansa na nag-avail na ng online payment system.

Ang mga maaaring bayaran sa online app ay real property at business tax payments at sakop din ng online payment system ang mas malawak na puwedeng bayaran sa gobyerno at pribado, mayroong E-Wallet para sa loading, payment, sending  receiving ng funds. Puwede na rin bayaran dito ang cedula (community tax certificates), birth at death certificates at iba pa.