MAGHAHANDOG ng gintong medalya sa bansa sinuman sa magigiting na lalaki at babaeng atleta ng Philippine Chinlone na sasabak sa 32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023 sa darating na Mayo.
Ito ang optimistikong pahayag ni Philippine Chinlone Association,Inc. Secretary General Solomon Bernardo Padiz sa panayam sa pagdating ng mga opisyal at atleta ng naturang NSA na nag- courtesy visit sa Asian Chinlone Federation na nakabase sa Myanmar- ang bansang powerhouse sa larangan ng Chinlone partikular sa ASEAN region.
Nagkaroon ng pagkakataong magparamdaman ng kanilang husay at show of force ang mga atletang Pinoy Chinlone at karibal na bansa sa SEAG partikular ang Myanmar kung kaya napulsuhan na ang posibleng magbabakbakan para sa medalya.
“We tested the SEAG waters and our chances are very high. Optimistiko tayong makapag-uuwi ng ginto o higit pa ang ating men and women Chinlone best bets come Cambodia SEAG para sa bayan,” sambit ni Padiz- tanyag na sports leader at academician.
“Todo suporta sa adbokasiya ang ating PCAI President Emmanuel Regio at mga regional heads upang matiyak ang tagumpay ng Ph Chinlone paglahok natin sa Pnom Phenn,Cambodia SEAGames.”
Naglabas na rin ang PCAI sa basbas ng ACF ng opisyal na listahan ng Philippine Chinlone Association,Inc.team delegation.
Ang Team Chinlone Philippines ay binubuo na ng talaan ng officials and coaches sa pangunguna nina Philip Paulo Dellomas Belen- team manager,Danilo Acosta Simon-assistant team manager,Jaime Morada Mora- head coach,Enrique Sarona Sabuco- men’s team coach, Nestor Rabang Calip-women’s team coach at ang opisyal na talaan ng Ph Chinlone athletes ay sina (women’s team) Roymie Cailbay, Zweylan Canlas, Kristel Carloman, Aurora Joy Cudira, Jhonian Khy Dizon, Honey Zhiel Falcasantos, Hillary Belle Hernandez, Florence May Hilario, Joanne Paco, Rhazel Policarpio, Lia Mae Ramos at Faith Vivar.
Best bets sa men’s team sina Rogan Abdullah,Jenesis Acantilado,Randy Asuncion,Jay-Ar Ledesma, Odlanyer Banguran ,Coven Anthony Cabrera, Jeffrey dela Cruz,Dennis Lucito, Jhundel Raymundo, Jhobert Reyes, Brylle Quencer Reyes at Mark Emmanuel Sudang. Kaagapay ang Philippine Olympic Committee ,Philippine Sports Commission at iba pang konernado mula gobyerno at pribadong sektor sa ating magiging tagumpay sa Cambodia,” ani pa Padiz.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW