Hindi makadadalo si dating President at incumbent Pampanga Rep. Gloria Macapacal Arroyo sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bukas.
Ito’y matapos magpositibo sa COVID-19 ang dating Pangulo.
Ayon kay Erwin Krishna Santos, chief of staff ni Arroyo, nagpositibo sa antigen test noong Hulyo 15 ang kongresista kaya agad itong sumailalim sa self-quarantine. Sumailalim ito sa masusing pagsubaybay ng kanyang doktor.
Sa isinagawang RT-PCR test noong Sabado, positibo pa rin ito sa coronavirus.
Dahil sa kanyang health condition, malabo na siyang makadalo sa SONA ni Marcos.
Matatandaan na si Marcos ay nagpositibo rin sa COVID kamakailan pero gumaling na ito matapos ang pitong araw na self-isolation.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA