December 25, 2024

GMA EXECUTIVE ANNETTE GOZON, UMAASANG MAGIGING KAPUSO SI SARAH GERONIMO IN THE FUTURE

PINABULAANAN ni GMA executive Annette Gozon, na hindi totoong pumirma na ng kontrata si Sarah Geronimo-Guidicelli sa kanilang TV Network. Ang actress-singer na si Sarah, ay walang planong lumipat sa kanilang network sa ngayon. Pero anong malay daw natin, na baka balang araw ay magkatotoo na maging Kapuso na ang Popstar Princess.

“Sino ba naman ang tatanggi? Sarah Geronimo iyan. Maging ang kanyang mga fans ay umaasa rin, GMA-7 Kapuso pa ba ang tututol. Pero hindi yata mangyayari na magkakaroon nang lipatan, kasi ang buong pagkakaalam ng lahat ay wala namang naganap na negosasyon ang GMA at Viva Entertainment.

“Sana raw in the future ay maging Kapuso na si Sarah, anong malay natin ‘di ba? Basta sa GMA, welcome naman siya. Pero sa ngayon ay rumors lang daw ang lahat, at hindi totoong lilipat na ang actress sa kanilang network. Pero umaasa rin sila at, aminado rin na hanggang sa ngayon ay malakas pa rin ang hatak ni Sarah G. sa mga tao at sa social media.” Salaysay pa ng aking source.