Higit sa 400 kabataang chess players sa bansa ang magkakaroon ng pambihirang pagkakataon na makatunggali ang isa sa mga dakilang Filipino grandmaster sa larangan ng ahedres. Si Grandmaster Jayson Gonzales ay handang itala sa kasaysayan ng Philippine sports ang kauna-unahang online chess simul-marathon.
Kung saan, haharapin niya (simultaneously)— ang daan-daang kabataan na nasa edad 18- pababa sa loob ng dalawang araw (virtual) na sulungang tentatibong itinakda mula ika- 30 ng Disyembre hanggang pagtatapos din ng taong 2020(Disyembre. 31).
Isang malaking hamon para kay GM Jayson ang isinusulong na kaganapang mistulang sumabak sa giyera laban sa buong armada ng mga bagito pero mapupusok na katunggali na prestihiyo naman sa mga lalahok na kabataan na makalaban ang isang pinagpipitagang ‘maestro grande’ sa larangan matalo o manalo kung saan ang patalasan ng utak ay kanilang balwarte via online.
Si GM Jayson na nakamit ang pinaka-ultimong titulo(Grandmaster)noong 2008 para sa isang chess player ( bukod sa pagiging chess Olympian) anumang lahi at mula sa saan mang dako ng mundo ay isa ring collegiate coach, national team mentor,founder ng Philippine Academy of Chess Excellence (PACE) na nagtuturo sa mga potensiyal na kabataan sa larangan; naging executive director ng National Chess Federation of the Philippines ( NCFP)at matagumpay na negosyante sa kanyang matatag na kumpanyang Jubilant Advertising sa Quezon City.
Kasado na ang naturang proyektong matutunghayan sa araw mismo ng makasaysayang kaganapan via chess .com na may pedidong 30 milyong viewers dito at sa ibang bansa kung kaya marapat lang na masuportahan ito ng kinauukulan sa layuning sumulong pa ang naturang larangan sa bansa na karangalan ng mga Pilipino at umangat pa sa ranggo ng chess map sa buong mundo at iyan ay sisimulan sa mga kabataan ng bayan…ABANGAN!!
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!