December 23, 2024

Gluta drip session ni Mariel Padilla sa Senado binatikos…‘WALA SA KULAY NG BALAT ANG TUNAY NA GANDA’ – BINAY

HINDI sa kulay ng balat nakikita ang kagandahan ng isang tao.

Ito ang naging pahayag ni Sen. Nancy Binay matapos batikusin ng mga netizens ang ginawa ni Mariel Padilla na Glutathione IV Drip sa loob ng opisina ng mister nitong si Senator Robin Padilla sa Senate Building.

Inulan ng kritisimo sa online ang post ni Mariel, na ngayon ay burado na, ng kanyang larawang nagpapakita na nagsasagawa siya ng glutathione drip sa  harap ni Robin.

Tinawanan lang ni Sen. Padilla ang naturang kritisismo, kung saan sinabi nito na ang tanging hangad lang ng kanyang asawa ay i-promote ang good looks at good healths” at walang intensiyon na bastusin ang Senado.

“Sa akin din, yung pagwa-whitening, hindi rin yan batayan ng good looks ‘di ba,” saad ni Binay, chairman ng Senate ethics and privileges committee.

“We should always be comfortable doon sa skin na binigay sa atin, ‘di ba,” dagdag niya.

Naging laman ng mga memes at jokes si Binay dahil sa kulay ng kanyang balat subalit sa kabila ng katatawanan, ay nagamit pa niya ito sa kanyang sariling political ads at sa isang libro patungkol sa cyberbullying. “We should always be comfortable with our skin because doon lang talaga magkakaroon ka ng confidence, ‘di ba. ‘Yung acceptance of ano ka,” saad pa niya.