December 27, 2024

GLOBE INIHANDA ANG NETWORK, DISASTER RESPONSE PROTOCOL PARA SA ABNORMAL NA AKTIBIDAD NG TAAL AT MAYON

Dahil sa patuloy na abnormal na aktibidad ng Mayon at Taal, inihanda ng Globe ang team at network nito para magbigay ng kinakailangan na mapagkukunan ng komunikasyon sa mga apektadong komunidad.

Handa ring ilunsad ng digital solution platform ang kanilang “Libreng Tawag, Libreng Charging, at Libreng WiFi” services bilang bahagi ng comprehensive disaster readiness initiative nito.

Naka-standby din ang technical at support teams ng kompanya upang matiyak na maipagpapatuloy ang operasyon, kung saan handa na ang mga generator at strategic facilities upang mai-maintain ang uninterrupted network services.

Mayroon ding libreng data access ang Globe sa mga website ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDDRMC) at Philippine Institute of Volcanogy and Seismology (Philvolcs), para kahit papaano ay ma-update ang lahat sa tamang impormasyon sa kasalukuyang aktibidad ng nasabing mga bulkan.

Upang mapaghandaan ang mga posibleng mangyari, hinimok din ng Globe ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-imbak ng mahahalagang supply, ihanda ang emergency kits at palaging naka-full charge ang kanilang mga mobile device.

Matatandaan na itinaas sa Alert Level 3 ang Mayon Volcano, kung saan pinayuhan ang mga residente na nasa loob ng 6-km radius Permanent Danger Zone (PDZ) na lumikas para sa kanilang kaligtasan.

Samantala, iniulat ng mga awtoridad, na tumaas ang pagbuga ng gas ng Buklang Taal kung saan umabot sa 3,000 metro ang taas ng steam-rich plumes mula sa Taal Volcano Island. Bagama’t nanatili sa Alert Level 1 ang Taal, may posibilidad na tumaas ang antas ng pagbuga ng sulfur dioxide, kaya inabisuhan ang mga residente na malapit sa bulkan na maging updated at mapagmatiyag. Lumikha ito ng volcanic smog o vog sa kapaligiran ng bulkan kaya inabisuhan ang mga resudente na malapit sa bulkan na maging updated at mapagmatiyag.

Nanatili namang matatag ang Globe sa pangako nito para suportahan ang mga apektadong komunidad at tumulong sa government agencies. Nangako rin ang kompanya na patuloy itong maghahatid ng updates at advisories upang matiyak na mayroong kaalaman at ligtas ang publiko.

Para sa latest na #StaySafePH advisories, mangyari lamang na i-followe ang GlobeICON sa Facebook o bisitahin ang globe.com.ph.