December 23, 2024

Global Day of Action laban sa climate change

Ryan San Juan

Ang Global Day of Action for Climate Justice ay isang pagkakaisa ng iba’t ibang grupo tulad ng civil society organizations, simbahan, labor at human rights groups, at mga institusyong pang-edukasyon upang ipakita ang kanilang suporta sa paglaban sa pagbabago ng klima.

Sa Quezon City, nagkakaisa ang mga grupo sa iba’t ibang lokasyon upang ipanawagan ang agarang aksyon para sa klima, partikular sa pag-phase out ng fossil fuel, pagbibigay prayoridad sa just transition at climate finance, at pagtutol sa digmaan at genocide sa gitna ng COP29.

Ang Global Day of Action for Climate Justice ay isang collaborative campaign na pinagsamang inorganisa ng Philippine Movement for Climate Justice, Asian Peoples’ Movement on Debt and Development at Task Force Detainees.