SA HALALAN sa Lunes, ang pangalan nina dating Sen. Ferdinand Bongbong Marcos Jr at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang isusulat sa balota ni Gladys Reyes at kanyang pamilya.
Sa Instagram, ipinaliwanag ng aktres na ang desisyon ito ay base sa kanilang pananampalataya.
“Ako po ay patuloy na maninindigan sa aking pananampalataya, dumating man ang pag-uusig, di patitinag. Higit sa lahat, sana ay manaig pa rin po ang respeto at pang-unawa sa isa’t isa, magkaiba man po ng pananaw ang iba,” aniya.
“Ako po at ang buo naming pamilya ay mananatiling kaisa ng aming pamamahala sa loob ng Iglesia Ni Cristo at patuloy na ipatutupad ang kaisahan, dahil ito po ay nakasulat sa banal na kasulatan, sa 1 Corinto 1:10 na wag magkabaha-bahagi at magkaroon ng isa lamang paghatol (o pagboto),” dagdag niya.
“Ito po ay ipinatutupad sa loob ng Iglesia sa simula’t simula pa lamang,” sabi pa niya.
Klinaro din niya na hindi political statement ang pagsusuot niya ng pink kamailan.
“Huwag din po sana lagyan ng kahulugan ang kulay ng aking kasuotan nuong nakaraan, dahil yun lamang ang color motiff para sa Mother’s Day Special na aming ginawa at wala na pong ibang ibig sabihin,” sabi niya.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON