“Bantayan mo mga kapatid at Daddy mo anak, huwag mo silang pababayaan,”Ang huling mga salita na sinabi ng 37-anyos na ginang sa kanyang anak na babae bago siya natagpuan ng kanyang live-in partner na nakabigti sa loob ng kanilang bahay sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Malabon Police Sub-Station 7 commander P/Maj. Patrick Alvarado, dakong alas-2 ng madaling araw nang huling nakitang buhay si Cindy Rontos ng kanyang live-in partner na si Renato Casibang, 48, matapos uminom ng alak sa loob ng kanilang bahay sa 37 Esguera St. Brgy. Flores.
Bandang alas-4:30 ng madaling araw, nagising si Renato at laking gulat nito nang makita ang kanyang live-in partner na nakabigti gamit ang isang lubid na nakapulupot sa kanyang leeg nito habang ang kabilang dulo ay nakatali sa beam ng kisame ng kanilang bahay.
Kaagad pinutol ni Renato ang lubid at mabilis na isinugod ang biktima sa Ospital ng Malabon, kasama ang kanyang pamangkin subalit, hind na ito umabot ng buahay.
Sa pahayag ng anak na babae ng biktima na si Cyrene Rontos kay P/CMsgt. Gerardo Bautista, dumaranas umano ng depresyon ang kanyang ina dala ng patuloy na pagsumpong ng hika.
Ani Malabon Police Chief P/Col. Albert Barot, nag-execute ng isang waiver ang pamilya ng biktima na hindi na sila interesado sa anumang imbestigasyon ng pulisya dahil naniniwala sila na walang naganap na foul play sa insidente.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE