
NASAMSAM ang mahigit P700K halaga ng shabu sa isang ginang na tulak ng droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang suspek na si alyas “Negra”, 44, (listed/pusher) ng Brgy. Longos ng lungsod.
Ayon kay Col. Baybayan, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pamamayagpag umano sa pagtutulak ng droga ng suspek na kabilang sa kanilang talaan ng mga drug personalities.
Nang magawang makipagtransaksyon kay alyas Negra ng isa sa tauhan ni Col. Baybayan na nagpanggap na buyer, ikinasa ng SDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek dakong alas-9:25 ng gabi sa P. Aquino Avenue corner Kadima Compd., Brgy. Tonsuya.
Nasamsam sa suspek ang humigi’t kumulang 105.3 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P716,040.00 at buy bust money.
Sinampahan na ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Malabon City Prosecutor’s Office.
More Stories
SANDRA BAUTISTA NG PILIPINAS KAMPEON SA BURBANK TENNIS TILT SA L.A CALIFORNIA
NWC HINIMOK SI MARCOS NA I-CERTIFY AS URGENT ANG P200 LEGISLATED WAGE HIKE
WELCOME BACK, VP SARA – HOUSE DEPUTY MAJORITY LEADER