Nagtala ng history si Jaymar Gimpayan ng MJAS Zenith-Talisay sa 2021 Pilipinas VisMin Super Cup Visayas leg. Hinirang si Gimpayan bilang Most Valuable Player (MVP) ng liga.
Opisyal na iginawad sa kanya ang award sa isang ceremony sa Alcantara Civic Centre sa Cebu.
“Hindi ko ineexpect ito dahil talagang hard work lang talaga ginawa ko sa bawat laro,” saad ng cager mula sa Oleras, Northern Samar.
“Nagpapasalamat din ako sa mga teammates ko dahil hindi nila ako iniwan dito sa bubble. Talagang pamilya na turi nila sa akin. Kasama ko sila sa hirap at saya dito,” aniya.
Nakuha ng 6-foot-2 naq 25-anyos na si Gimpayan ang 416 total points. Kasama rito ang 333 statistical points (1st) 18 mula sa player votes (2nd).
Una rin siya sa media votes na may 25 votes at 40 votes (1st) mula sa VisMin office. Malaki ang naging ambag ni Gimpayan sa 10-0 sweep ng Aquastars sa double-round elimination.
May average siyang 12.5 points (8th), 8.9 boards (3rd) at 1.1 assists kada laro.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo