LUMABO ang tsansa ng Gilas Pilipinas women’s team na mapanatili ang korona matapos yumukod sa Indonesia,68-89 sa papatapos nang round robin sa basketball event ng 32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023 sa Morodok Techno Elephant Hall 2 kahapon sa Phnom Penh.
Hindi nakayanan ng Gilas ang matinding atake ng Indonesia sa third upang iposte ang 63-49 bentahe ng Indon lady dribblers hanggang tuluyang makontrol ang laro sa final period.
Kailangan na lng ng Indonesia na talunin ang Singapore at Cambodia upang angkinin ang gintong medalya sa women’s basketball.
Dumausdos sa ikatlong puwesto ang Gilas ,2-1 kabuntot sa Malaysia na may 3-1 kartada.
“It’s a hard loss.Indonesians are tough team.They’ve been together for almost three years,”wika ni Gilas women’s coach Pat Aquino.
” I told them ( Gilas) to never give up.We’ll naver know what will happen”,ani pa Aquino. Kumamada sina Yuni Anggraeni ng 24 puntos at 20 naman kay Kimberley Pierre Louise para sa Indonesia habang tumikada naman ng 11 at 10 puntos sina Janina Pontejos at Chuck Cabinbin sa losing cause ng Gilas women’s team.
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag