
Target ng Gilas Pilipinas Women na maghanap at magdagdag ng naturalized player sa pool. Ito ay bilang paghahanda sa mga future tourneys.
Ang batayan sa pagpili ay yaong marubdob at nais talagang maglaro sa team. Gayunman, nahihirapan ang Gilas na makahanap nito.
“Yun ang problema nation ngayon – finding some players na will be willing enough to come here, willing to play for us,” ani head coach Pat Aquino PSA Forum.
Kabilang sa napipisil na lambatin ay si Rhena Itesi, (6’4) na player ng NU Lady Bulldogs. Pero, uubra raw ba o fit pa ito sa future.
Isa pa ay si Fil 6-foot-1 Mai-Loni Henson. Bagama’t dugong Pinay, di ito nakakuha ng passport bago sumapit sa edad na 16.
“I’m still looking for a new naturalized player, much taller. One that could help us na wala tayo dito sa Pilipinas. Yung hindi natin makuha sa local or mga Fil-Am natin,” dagdag pa ni Aquino.
More Stories
Philippine Encùentro Championship MMA… PINOY WASHIT WINASIWAS SI MEXICAN SANCHEZ
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY