Impresibo ang ipinakitang laro ng Gilas Pilipinas sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark bubble. Muling tinalo ng national team ang South Korea matapos ang 8 taon.
Sinilat ng Gilas ang South Korea sa iskor na 81-78. Naging bayani sa panalo ng national team si SJ Belangel. Kung saan, pumasok ang bank shot nito sa nalalabing 2.0 seconds sa fourth quarter.
Kung kaya, naiwasan ang napipintong overtime sa regulation dahil sa Ateneo rookie.
“Ang nasa isip ko lang is makabawi sa Korea since natalo nila kami. ‘Yun lang ‘yung mindset ko. Gusto ko lang makabawi sa ganitong game,” sabi ng 21-anyos na tubong Bacolod na player.
Nangapa ang Gilas sa first half kung saan ay naghahabol sila ng 17 points. Ngunit, dahil sa bilis ng opensa at depensa, nagawa nilang makahabol.
Nakalamang pa ang Gilas ng 5 points. Pero, nakakasabay ang Korea. Naitabla pa nito sa 78 all ang score, may 2.9 seconds na lang ang nalalabi.
Ngunit, dahil sa magandang play ni coach Tab Baldwin sa kanyang mga bataan, nagawa nila ang tama.
“Nakita ko wala nang nangyari, nagkamali si Ange [Kouame]. Tapos nung time na ‘yun, iniisip ko na lang na we need a basket. Binigay sa akin ni Dwight,” sabi pa ni Belangel.
Muling sasalang ang Gilas bukas kontra Indonesia at sa South Korea uli sa June 20.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2