December 20, 2024

GILAS PILIPINAS RERESBAK VS INDONESIA SA CAMBODIA SEAGAMES

MARUBDOB ang hangarin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ( SBP)na babawiin ang humulagpos na glorya sa larangan ng basketbol ng Gilas Pilipinas.    

Kanilang hahablutin ang basketball gold medal mula Indonesia na tumalo sa  Gilas-Pilipinas sa unang pagkakataon sa SEA Games basketball championship noong nakarasng taon sa Hanoi, Vietnam.

Isinumite na ng SBP ang  28-man pool line-up, sa pangunguna ni PBA six-time MVP Junmar Fajardo at bagong  naturalized  Filipino at best import sa nakarang  PBA Commissioner’s Cup na si Justine  Brownlee, ang bubuo sa komposisyon ng   national team sa susunod na buwang SEA Games na iho- host ng   Phnom Penh , Cambodia kung saan ay sila ang  punong-abala sa unang pagkakataon.

Bukod kina  Fajardo at Brownlee, kabilang sa 28-man pool sina  C.J. Perez, Chris Ross, Marcio Lasseter, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, Jaime Malonzo, Christian Standhardiger, Stanley Pringle, Roger Pogoy, Calvin John Oftano, John Eram, Micheal William, Chris Newsome, Raymond Almazan, Norman Aaron Black, Arvin Tolentino, Kevin Louie Alas, Brandon Rosser, Deschon Winston, Kevin Quiambao, Jerome Lastimosa, Mason Amos, Benjamin Philips, Ariel Edu at Jeremiah Gray.

Masidhi ang hangaring makaresbak ni Gilas-Pilipinas coach Chot Reyes sa mga   Indonesians upang maiuwi ang gold medal .

 Ang pagkatalo sa Indonesia  ang pumigil sa nationals sa kanilang 52-game winning streak mula   noong  1997.

“The moment is upon us, and we are not leaving any stone unturned in our overall bid to regain basketball glory in the region,” wika ni SBP head Al Panlilio.