PINAGHANDAAN at ginastusan nang husto ng Timnas Indonesia ang Gilas Pilipinas para sa 32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023 na lalarga na bukas sa Phnom Penh. Ang Indonesia kasi ang pumutol sa paghahari ng Pilipinas sa basketball ng naturang biennial event sa Southeast Asia kung saan ay naagaw ng Indonesia ang basketball gold noong nakaraang Vietnam Seagames. Seryoso ang Indonesia na ma-retain ang titulo at ipahiya ang Pilipinas sa larangan ng basketball kaya nag- naturalized sila ng tatlong players upang patatagin pa ang frontline ng Indonesia para lampasan ang firepower ng Gilas Pilipinas. Ang tatlong naturalized Indon players ay sina 6-foot-6 Dame Diagne, 5’9” Anthony Beane at ang higanteng 6’10” na si Lester Prosper dating import ng Terrafima sa PBA. Ang mapanganib na Indonesian national cage team ay nasa timon ng Serbian coach na si Milos Pejic na instrumental sa Vietnam SEAG gold kontra Gilas Pilipinas. Malaking bentahe para sa Indonesia ang size, depensa at pamilyaridad ni Prosper sa laro ng Pilipino at siya ay nakapaglaro rin sa Australian league na NBL 1. Lalong bumigay ang tsansa ng Gilas Pilipinas sa pagkawala ninaJune Mar Fajardo, Japeth Aguilar at Roger Pogoy dahil sa injuries at personal reasons naman ang begoff nina Jamie Malonzo,Scottie Thompson at Mikey Williams. Nakaatang ngayon sa balikat ni Pinoy naturalized player Justine Brownlee at ka- Gilas nito kung paano isasalba ang dangal ng Pilipinas basketbol upang agawing muli ang korona sa nalalabing kaharian ng Gilas Pilipinas sa international basketball scene.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo