
Nabigo ang Gilas Pilipinas sa Georgia 96-94 sa FIBA Olympic Qualifying Tournaments.
Kahit na natalo ang Gilas ay pasok pa rin sila sa semifinals sa laro na ginanap sa Riga, Latvia.
Kailangan kasi na makalamang ng mahigit 19 points ang Georgia para maka-abanse.
Nasa pangalawang puwesto ang Gilas Pilipinas sa Group A na mayroong 1 panalo at isang talo at buhay pa ang tsansa nila sa Paris Olympics.
Susunod na makakaharap ng Gilas ang sinumang manalo sa pagitan ng Brazil at Cameron sa number 1 spot sa Group B. (RON TOLENTINO)
More Stories
Sudden-Death Semis: UST at NU Laban Para sa Final Spot sa UAAP Men’s Volleyball
131 LGUs Balak Kasuhan ng ARTA Dahil sa Kabiguan Magpatayo ng e-BOSS Laban sa Red Tape at Katiwalian
Truck ng Comelec Service Provider Nahulog sa Bangin sa CDO; 1 Patay