Dinomina ng young Gilas Pilipinas squad ang Thailand, 93-61 sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Khalifa Sports City sa Manama, Bahrain.
Ang team ay kinabibilangan ng mga collegiate standout. Kahit ang mga pro players ang mga Thais, nilikida ito ng Gilas.
Bagamat nangapa sa umpisa ng laro, umalagwa ang Gilas sa second quarter. Kung saan, iniwanan nila ang Thais. Tinambakan nila ito ng 36 points.
Bumida sa panalo ng Gilas si Dwight Ramos na nagtala ng 20 points mula sa perfect shotting sa field. Mayroon din siyang 7 boards at 3 assists.
Nag-ambag naman ng tig-12 points sina Juan Gomez de Liano at Justine Baltazar. Muling maghaharap ang dalawa sa Lunes para sa second window ng torneo.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT