
DALAWANG dikit na tres at isang give and go play ni Justine Brownlee ang naging susi ng pahirapang panalo ng Gilas Pilipinas upang makaresbak kontra Indonesia,84-76 sa kanilang semifinal match sa men’s basketball ng 32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023 sa Merodok Techo Elephant Hall 2 sa Phnom Penh.
Dikit ang laban simula unang yugto hanggang third quarter kung saan ay laging abante ang defending champion Indonesia sa malakas na opensa ng tatlong naturalized players nito upang pahirapan nang husto ang Gilas Pilipinas.
Nanatili ang ningas ng laban nina Marcio Lassiter ,Chris Ross at Brandon Ganuelas Rosser sa opensa lakip ang malagkit na depensa ni Christian Standhardinger kay Indon bigman naturalzed Prosper upang manating nakabuntot ang Gilas hanggang sa pagputok nv tres ni Brownlee sa krusyal na endgame para maseguro ang panalo ng Pilipinas kontra umagaw sa kanila ng gintong medalya noong nakaraang Vietnam SEAGames.
Ang semis victory ng Pilipinas ay makakalaban ang naghihintay nang Cambodia na may 6 na naturalzed players na tumalo naman vs Thailand sa naunang semifinal match. Nakatakda ngayon ang gold medal match ng Gilas vs Cambodia sa mainit na venue ng host Phnom Penh.
More Stories
Sudden-Death Semis: UST at NU Laban Para sa Final Spot sa UAAP Men’s Volleyball
131 LGUs Balak Kasuhan ng ARTA Dahil sa Kabiguan Magpatayo ng e-BOSS Laban sa Red Tape at Katiwalian
Truck ng Comelec Service Provider Nahulog sa Bangin sa CDO; 1 Patay