
Pupunta ang Gilas Pilipinas sa bansang Jordan para sa isang misyon. Sasali kasi ang men’s basketball team sa isang pocket tournament doon.
Ito’y bilang paghahanda nila sa 2021 FIBA Asia Cup. Magiging bahagi ang Gilas sa King Abdullah Cup. Na ang competition ay gagawin sa July 25 hanggang August 3.

Host ng Jordan Basketball Federation ng naturang tournament. Na isang pasaporte rin para sa paghahanda nila sa torneong idaraos sa Indonesia.
Bukod sa Philippines at Jordan, tatlong bansa pa ang sasalang sa torneo. Ito ay ang Egypt, Tunisia at Saudi Arabia.

“We’ll be going up against quality teams with different styles compared to the ones we faced in the Asia Cup Qualifiers,” ani coach Tab Baldwin.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT