Napasama ang Gilas Pilipinas sa Group A ng 2023 FIBA World Cup Qualifiers. Kasama sa grupo ang archrival nito na South Korea at New Zealand at India. Pero, mas mainam na ito dahil mas di mahihirapan ang Gilas.
Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio, mas madali umano ito. Kumpara sa ibang grupo na nagsama-sama ang malalakas na team.
“We only had two groups we could fall into, Group A and Group B. Napakalakas ng Group B ‘di ba?” ani Panlilio sa Power and Play.
Kaya, hindi kasama ang Pilipinas sa ‘group of death’. Di gaya sa Group B na kinabibilangan ng Japan, Australia, China at Chinese Taipei.
“I think between the two groups, I’m not saying it’s easy, but Group A is easier compared to Group B”.
“In terms of FIBA rankings lamang lahat ng teams sa kabila over us except tayo over Japan,” saad ni Panlilio. Siya ay may position bilang Second Vice President of the FIBA Asia Central Board.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2