December 21, 2024

GILAS PILIPINAS GINIBA ANG KINGDOM OF SAUDI ARABIA SA FIBA AQ W5

Photo credit: FIBA Asia

ISINARA ng Pilipinas ang FIBA Asia Cup Qualifiers sa isang masigla, pakaba at magilas na laro kontra Saudi Arabia kahapon sa dinagsang Abdullah Sports City sa Jeddah KSA.

Matapos ang astig na porma  sa kaagahan ng laro, nag-relax ang Gilas Pilipinas sa kalagitnaan pero muling bumangis sa pampinaleng bugso upang gibain ang Kingdom of Saudi Arabia 76-63

Ang beteranong asintadong marksman na si Roger Pogoy at all-around player Dwight Ramos ay nagsubi ng tig-13 puntos upang pangunahan ang kanilang panggibang sandstorm sa Saudi Arabia at pagtibayin ang kartada ng Gilas sa 5-3 sa Group E at itala ang unang  sweep ng tropang  Pinoy sa kabuuan ng windows bilang preparasyon para sa FIBA World Cup na gaganapin dito sa bansa sa Agosto 2023.

Dambuhala din ang ginawa ng toreng sina Kai Sotto at CJ Perez sa kanilang 11pts-9 rebs – blocks at 10 points at 4 rebounds ayon sa pagkakasunod.
Ang panalo sa disyerto ay inulit lang ang naunang one-sided na laban kontra mga Arabo at kumpletuhin ang back-to-back victories sa dayo.