
Napanatili ng Gilas Pilipinas ang kanilang pang-34 na puwesto sa FIBA World Ranking.
Inilabas ng FIBA ang world rankings matapos ang matagumpay na panalo ng Gilas sa New Zealand 93-89 ganun din sa Hong Kong sa score na 93-54.
Dahil sa nasabing panalo ay tiyak na ang pagpasok nila sa FIBA Aisa Cup na gaganapin sa Jeddah Saudi Arabia.
Hindi rin gumalaw ang rankings ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia rankings kung saan sila ay nasa pang-pitong puwesto.
Nangunguna sa Asian rankings ang Australia, Japan, New Zealand, Iran, Lebanon at China.
Tanging umangat lamang sa FIBA WORLD rankings ay ang Qatar na nasa pang-92 na puwesto na ito.
Nananatili naman sa unang puwesto ang USA na sinundan ng Serbia, Germany, France at Canada. (RON TOLENTINO)
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN