Nasa balag ng alanganin ang Gilas Pilipinas sa nakambang pagsabak nito sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers sa Manama, Bahrain.
Ito ay dahil sa wala pang practice ang players, tiyak na dehado sila. Lalo pa’t sasalang sila sa 3 killer games sa loob ng 5 araw.
Ano raw kaya ang magiging play at performance nila sa torneo gayung malalakas ang mkakasagupa nila?
Ang mga players ng Gilas ay binubuo ng collegiate star. Walang PBA player dahil sa tutok sa paglalaro sa PBA bubble sa Clark, Pampanga.
Makakatapat ng Gilas sa November window ang Thailand sa November 30. Gyundin ang South Korea batay na inilatag na iskedyul ng FIBA na bubble set-up game.
Natigil ang qualifying games ng FIBA noong February dahil sa COVID-19 pandemic.
Matatandaang napurnada ang FIBA qualifier na nakatakda noong Pebrero dahil sa global COVID-19 pandemic.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2