PANIGURADO na ang puwesto ng Gilas Pilipinas Boys sa 2024 FIBA U17 Basketball World Cup matapos nilang talunin ang Japan, 64-59, sa quarterfinal round ng FIBA U16 Asian Championship sa Doha, Qatar noong Biyernes ng gabi, Setyembre 22.
Kabilang sa bansang kalahok sa FIBA U17 World Cup ay ang Pilipinas, China, Australia, New Zealand, USA, Canada, Argentina, Puerto Rico, Spain, France, Germany, Italy, Lithuania, Guinea, Egypt at ang host nation na Turkey na gaganapin sa susunod na taon.
Ito ang ikatlong pagkakataong nakapasok ang Gilas Youth sa world championship, ang unang dalawa ay noong 2014 at 2018.
Matapos tumunog ang final buzzer, naging emosyonal ang pambato ng Batang Gilas na si Kieffer Alas at ang buong Gilas U16 team sa harap ng proud na Filipino crowd sa Doha.
Umiskor ng 7 puntos si Kiefer Alas sa krusyal na parte ng third quarter at nagpatuloy sa pag-ambag hanggang fourth quarter para madala ang panalo ng Pilipinas.
Bukod kay Alas, nagbigay din ng malaking kontribusyon sina Kurt Velasquez at Bonn Daja.
Nakapagtala si Alas ng 29 points, 9 rebounds, at 3 assists. RONNIE TOLENTINO
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA