November 2, 2024

GIANT CHRISTMAS TREE PINAILAWAN SA NAVOTAS

PINANGUNAHAN nina Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco ang inauguration sa mga bagong pasilidad sa Navotas at pagpapailaw sa higanting Christmas tree ng lungsod.

Pormal na binuksan ng Navotas ang Pescador and Green Zone parks sa barangays Bangkulasi at North Bay Boulevard North (NBBN) habang pinasinayaan din ang NBBN Elementary School Multi-Purpose Hall.

“Despite our very limited space, we do our best to provide Navoteños with parks and other venues for them to safely bond and enjoy with their families. We only ask that they take care of these parks and keep them clean,” ani Mayor Tiangco.

Kasama ang mga opisyal ng lungsod, pinangunahan din ni Mayor at Cong. Tiangco ang pagpapailaw ng Christmas Tree at pagbubukas ng Christmas Bazaar sa Navotas Citywalk and Amphitheater.

“Navotas continues to be under ‘very low risk’ for COVID-19 and we only have 18 active cases now. Hence, we decided to hold the lighting in person,” pahayag ni Mayor Tiangco.

Sa kabilang banda, hinikayat naman ni Cong. Tiangco ang kanyang kapwa Navoteños na suportahan at i-patronize ang mga lokal na negosyo upang makatulong na mapalakas ang ekonomiya ng lungsod.

“This Christmas season, try buying from local brands and small shops within the community. Let us help our fellow Navoteños recover from the financial drought caused by the pandemic, and give the micro and small entrepreneurs a fair chance to continue and flourish,” aniya.

Bukas ang Christmas Bazaar mula 5PM hanggang 12MN kada araw hanggang December 23, 2021.