Proud si Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo sa utol na si Kostas, 22-anyos. Ito kasi ang unang nagkaroon ng NBA title sa kanilang apat na magkakapatid.
Si Kostas ay kabilang sa rosters ng Los Angeles Lakers. Nang umuwi ito sa Greece, galak na sinalubong nina Giannis si Kostas sa airport.
Katunayan, pinost ni Giannis sa Instagram TV ang isang four-minute video. Na, binati ang utol na nagkampeon sa pagdating nito sa Athens.
“This is how you f***** greet a champion right here! Champion’s back home!” sigaw ni Giannis sa first parts of the clip, hawak-hawak ang printed prop ni Kostas.
Si Kostas din ang naging youngest sa 3 magkakapatid na naglalaro sa NBA. Sina Giannis, 25 at Thanasis, 28 ay players ng Bucks. Si Alexis naman ay naglalaro sa Spanish club UCAM Murcia sa Liga ACB.
“This is amazing, there’s no words, man,” ani Giannis.
“I know this guy, we we’re sleeping on [the] same bed. Both of us. Now we come from same family, same household. Champions!”
“First Greek to be ever a champion, first Greek to be ever MVP. And we just keep getting better. We’re not stopping,” ani naman ni Thanasis.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!