PINURI ng Philippine Coast Guard (PCG) ang actor at Auxiliary Commander Gerald Anderson dahil sa kanyang rescue efforts sa nangyaring matinding pagbaha nitong kamakailan lang dulot ng habagat na pinalakas ng Bagyong Carina.
Sa isang seremonya sa PCG sa National Headquarters ng PCG sa Port Area, Manila City, ginawaran ni PCGA National Director, Vice Admiral Jorge Lim si Anderson ng Search and Rescue medal.
Ipinagkakaloob ang Search and Rescue medal sa mga indibidwal na boluntaryong nakikipag partisipasyon sa pagsagip ng mga buhay sa kabila ng malaking banta at sakripisyo.
Matatandaan na sinagip ni Anderson ang mga residente na na-stranded sa kanilang mga bahay sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City. Noong Hulyo 25, nakita rin si Anderson na tumutulong para dalhin sa ligtas na lugar ang mga lumikas sa kanilang tahanan.
Kinilala ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang kabayanihan at walang pag-iimbot na paglilingkod ng My Perfect You star na si Anderson.
Sinabi rin ni PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo, na palaging aktibong umaaksyon si Anderson sa panahon ng humanitarian at disaster response operations.
“He is always present during the Coast Guard’s relief operations and disaster rehabilitation. He continues to help Aetas in Zambales, recovering families in Marawi, and even donated medical supplies and tents during the height of the COVID-19 pandemic. Together with Auxiliary Ensign Julia Barretto and other PCGA members, Auxiliary CDR Anderson also donated bags filled with school supplies for the children of Pag-Asa Island,” ayon kay Balilo.
Pinuri rin ni Seantor Robin Padilla ang ginawa ni Anderson at pinatunayan nito na tunay na maasahan ang PCGA member.
Naging miyembro si Anderson ng PCG noong 2016 para sa K9 Special Support Squadron nito. Kalaunan ay na-promote siya bilang PCG Auxiliary Commander noong 2021.
Naging army reservist din siya noong 2019 nang matapos ang tatlong araw na military training course bilang paghahanda sa kanyang role sa television series na “A Soldier’s Heart.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA