
ARESTADO ang isang 44-anyos na geodetic engineer matapos makuhanan ng shabu at baril sa loob ng kanyang bahay sa isinagawang search warrant operation ng Mountain Province Provincial Police Office sa Barangay Bantay sa Paracelis, Mountain Province.
Ayon sa pulisya matagal na nilang minomonitor ang lalaking suspek na isang high-value individual dahil sa umano’y pagkakasangkot sa illegal na kalakaran ng droga.
Nahuli sa suspek ang dalawang sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 13.7 gramo at nagkakahalaga ng P93,000, baril at drug paraphernalia.
More Stories
Xyrus Torres, Nagpakawala ng Tirang Panapos! NLEX Tinodas ang Ginebra, 89-86
BAGONG SANTO PAPA, HAHARAP SA ‘MAHIRAP AT MASALIMUOT’ NA PANAHON SA KASAYSAYAN
HVI tulak, huli sa buy bust sa Valenzuela, P476K shabu, nasamsam