
Muling uupak sa lona si Gennady Golovkin sa unang pagkakataon ngayong 2021. Sasagupa ang tinaguriang ‘Triple G’ at Kazakh hard-hitting star kay Ryota Murata ng Japan. Mangyayari ito sa Disyembre 29 sa Saitama, Japan ayon sa ulat ng DAZN.
Si Golovkin ay current IBF middleweight champ. Ikakasa nito ang titulo via uniication bout kay Murata na WBA super-titlist. Ang 39-anyos na si Golovkin ay huling lumaban noong December 2020. Kung saan, pinatigil nito si Kamil Szeremeta sa Round 7. Apat na beses din nitong pinabagsak ang Polish boxing challenger.
“I am really excited to be bringing the ‘Big Drama Show’ to Japan, a country where boxing is very popular,” ani Golovkin, na may record na 41-1-1.
More Stories
Philippine Encùentro Championship MMA… PINOY WASHIT WINASIWAS SI MEXICAN SANCHEZ
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY