January 11, 2025

GENERIC BRANDS MAGPAPABABA SA PRESYO NG IBANG PRESCRIPTION DRUGS – PCC

Ang pagtaas sa bilang ng mga generic na gamot sa lokal na merkado ay nagpapababa sa presyo ng lahat ng uri ng mga prescription drugs sa merkado.

Ito’y ayon sa inilabas na policy paper ng Philippine Competition Commission (PCC), na nakatuon sa local market study na tumututok sa epekto ng pagpasok ng generic drugs sa local prices ng mga gamot.

“The findings are consistent with the literature that the increase in the number of generic drugs in the market reduces the price of all types of prescription drugs. This is true for branded generics,” pagtatapos ng policy paper.

“Consumers will benefit from the increase in the number of generic players in the market,” dagdag nito.

Entry of Drugs

Ginawa ng pag-aaral ang konklusyon nito sa quarterly data ng US health information technology and clinical research firm IQVIA, na sumasaklaw sa taong 2000 hanggang 2020, na kinabibilangan ng local sales ng antidiabetes, anti-infectives, cholesterol at hypertension medications.

Sinabi ng policy paper na para sa lahat ng uri ng gamot, ang pagtaas sa bilang ng mga branded nonoriginators sa merkado ay nagpababa sa presyo ng originators at unbranded nonoriginators.

Ang originators ay manufactured ng original patent holder ng isang partikular na gamot.

Branded generics

“Branded nonoriginators compete with originators and unbranded nonoriginators. The effects of the number of branded nonoriginators are statistically significant,” ayon sa policy paper.

“One explanation is that in a sector where there is asymmetry in information on the quality of prescription drugs and significant distrust on the quality of generic drugs, branded generics present a cheaper alternative to originators,”  dagdag pa nito.

Inirerekomenda ng inilabas na policy paper ng PCC na ang generic drug substitution polices ay dapat ipatupad upang kilalanin ng consumer ang generic drugs.