November 17, 2024

GCASH NAGKAPROBLEMA; PONDO NG KOSTUMER BINALIK

Inamin ng digital solutions provider na GCash na nagkaroon sila ng problema sa kanilang app, pero wala umanong nawalan ng pondo.

Ito ay matapos na maunang maiulat na nasa P37 million na halaga ng transactions ang napigilan ng digital wallet provider.

Pero inamin ng Globe na nakatanggap sila ng mga reklamo na nawawalan sila ng pera sa digital wallet.

Tiniyak ng GCash nitong Martes na walang pondong nawala sa kanilang mga kostumer sa kabila ng mga reklamong nagkaroon ng mga unauthorized transactions.

Nauna rito, ilang kostumer ang nagreklamo na nabawasan ng pera sa kanilang Gcash account noong Lunes.

Nailipat umano ang pondo sa ilang account sa EastWest bank at Asia United Bank (AUB).

Agad namang inimbestigahan ng GCash ang ulat na may mga customer silang nawalan ng pera sa kanilang mga accounts kayat nag-extend sila ng maintenance service.

“Some customers may have experienced a deduction in their GCash account [Monday]. We extended our scheduled maintenance to investigate and determined that no hacking occurred,” pahayag ng GCash.

Tiniyak rin nila na ibabalik ang pera ng mga nabawasan na mga accounts.

“We wish to further assure customers that their funds remain safe and secure. We would also like to remind customers never to share their OTP and MPIN,” sinabi nito.

Sinabi naman ni GCash vice president for corporate communications Gilda Maquilan na walang nawalang mga pondo, kasunod ng reklamo na nawawalang pera dahil sa anila’y “unauthorized transactions.”

Sinabi ni Maquilan na may nakuha silang mga reklamo na may umanoy “unauthorized transactions,” na nailipat sa bank accounts na nagtatapos ng 5239.

“Tinitingnan natin ngayon kung ano iyong fixes at maintenance na kailangan po nating gawin,” pahayag ni Maquilan na humingi ng paumanhin sa mga kostumer na naapektuhan.

Naibalik na ang serbisyo bago magtanghali.

“We have already adjusted the e-wallets of all affected GCash users. We wish to reiterate that our customers did not lose their funds on GCash. The app is now up for service so you can safely proceed with your regular transactions,” ayon sa opisyal na pahayag ng GCash.

“Rest assured, your funds are intact, safe, and secure with GCash. Our proactive cybersecurity policies are in place to protect our customers as the safety and security of your account is our top priority.”

Pinayuhan din ang mga kostumer na maging mapagbantay sa kanilang mga online transaction. “GCash will never send emails or messages with links nor reach out to customers via calls and other messaging platforms. We are also reminding everyone to never share their MPIN and One-time Pin (OTP) to anyone, and to report suspicious activities through our Help Center at https://help.gcash.com/hc/en-us, and talk to Gigi. Customers can also call our hotline at 2882 for other queries.”