Nagbigay abiso ang mobile wallet na GCash sa mga user nito dahil pansamantalang hindi nila ito magagamit sa mga piling oras ng Marso 20 at 21.
Sa isang advisory, sinabi ng GCash na ang app ay sasailalim sa maintenance “kaya ang ilang mga serbisyo ay hindi magagamit” sa mga sumusunod na time-slot at petsa:
Marso 20, 12:01 a.m. – 2 a.m.
Marso 21, 12:01 a.m. – 6 a.m.
Pinayuhan din ng GCash ang mga user nito na planuhin na ang kanilang mga transaksyon ng maaga.
Ang GCash — na mayroong mahigit 79 milyong rehistradong user noong Mayo 2023 — ay isang buong pagmamay-ari na subsidiary ng Mynt (Globe Fintech Innovations Inc.), na siya namang partnership ng Globe Telecom Inc., ang Ayala Corp., at Ant Financial.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA