
Hinihikayat ni Senador Win Gatchalian ang mga kasalukuyang child development workers (CDWs) na kumuha ng kakaapruba lang na National Certificate (NC) III sa Early Childhood Care and Development (ECCD).
Matatandaang nagmungkahi si Gatchalian ng P80 milyon sa ilalim ng 2025 budget ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para itatag ang programa na magbibigay ng scholarship para sa mga kasalukuyang CDWs na high school lamang ang natapos o mas mababa pa.
Sa ilalim ng Early Childhood Care and Development System Act (Republic Act No. 12199), mandato sa mga kasalukuyang CDWs ang sumailalim sa reskilling, upskilling at pumasa ng certification mula sa TESDA. Libre ang naturang assessment at certification. Nakasaad din sa batas na maaaring maging CDWs ang mga senior high school graduates at mga high school graduates na nakatapos ng dalawang taon sa kolehiyo. Kailangan din nilang kumuha ng assessment at certification.
Minamandato rin sa Department of Budget and Management at Civil Service Commission na repasuhin ang mga plantilla position titles at qualification requirements ng mga Day Care Workers I and II upang maging akma sa bagong batas.
More Stories
DOH: Walang Lockdown Dahil sa Mpox, Mag-ingat sa Fake News!
Pagpapalawak ng P20 rice program, pinuri ng Navotas solon
ILIGAL NA ‘PAKYAWAN’ PAY SYSTEM? TULFO AT DOLE SUMALAKAY SA PAGAWAAN NG CHICHIRYA