PATAY ang isang katao habang 28 katao ang nawalan ng tirahan matapos sumalpok ang isang gas tanker truck sa isang bodega at nagdulot ng sunog na gumapang sa kalapit na commercial at residential na estruktura sa Puguis, La Trinidad madaling araw ng Linggo, Nobyembre 10.
Ayon sa lokal na awtoridad, nasawi ang driver ng gas tanker habang siyam na pamilya o 29 katao ang nawalan ng bahay matapos ang nangyaring sunog. Umabot sa P11 milyon ang tinatayang pinsala sa mga pribadong bahay at komersiyal na estruktura.
Naganap ang insidente dakong alas-12:53 ng madaling araw, matapos masiraan ng break ang truck at sumalpok sa bodega sa Barangay Puguis. Mabilis na dumating ang mga bomber pero nahirapan dahil naipit ang katawan ng driver sa cab at sunod na nasunog, ayon kay Fire Office 1 Wylene Smith ng Bureau of Fire Protection-La Trinidad.
Isinugod naman ang pahinante ng driver, na nakaligtas sa truck, sa hospital para gamutin.
Dakong alas-5:12 ng umaga nang maapula ang apoy.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA