Kung may dapat mang ipagtanggol si Vice President Sara Duterte, iyon ay ang mga biktima ng human trafficking imbes tuligsain ang kapulisan na nais umaresto sa wanted na si Pastor Apollo Quiboloy, ayon kay House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin.
“As a mother, a woman, and a public servant, I cannot remain silent in the face of Vice President Sara Duterte’s recent statement concerning the [KOJC] and the ongoing legal actions against its leaders,” saad ni Garin.
“While Vice President Duterte expresses concern over the police’s implementation of lawful warrants, I find it troubling that her sympathies appear to lie more with a powerful figure wanted for serious crimes rather than with the vulnerable women and minors who have suffered at the hands of an accused predator,” dagdag pa niya.
Nahaharap si Quiboloy at kanyang kapwa akusado sa sexual abuse at child abuse case sa Davao Regional Trial Court (RTC) at qualified human trafficking case sa Pasig RTC.
“These are not trivial matters to be dismissed or overshadowed by political spin. The real issue here is justice for the victims—innocent individuals whose lives have been irrevocably harmed,” saad niya.
“It is essential that our leaders prioritize the welfare of the most vulnerable among us, not the defense of those with power and influence who have been accused of heinous crimes,” dagdag ni Garin.
Kinondena rin ng mambabatas ang tangka ni VP Duterte na alisin ang atensyon ng publiko sa totoong isyu.
“Instead of addressing these serious concerns, Vice President Duterte’s statement seems to shift the narrative away from the need for justice and accountability,” wika pa ng lady solon na ang pinatutungkulan ay ang paghingi ng paumanhin ni VP Duterte sa KOJC dahil sa paghikayat sa mga ito na iboto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022 elections.
Binigyan-diin ni Garin na dapat maging responsable ang mga lider ng bansa sa publiko at managot sa mga maling ginagawa ng mga ito.
“It is essential that our leaders prioritize the welfare of the most vulnerable among us, not the defense of those with power and influence who have been accused of heinous crimes,” saad ni Garin.
Sinabi ni Garin na mahalaga na nagsasama-sama ang mga Pilipino sa pagtayo para sa hustisya at pagbibigay ng proteksyon sa mga bata.
“The message from the Vice President may resonate with those who supported her in the 2022 elections, but it must also be recognized for what it is — a deflection from the grave issues at hand,” sabi ni Garin.
“I urge all Filipinos, particularly mothers and fathers, to consider the implications of her words and to stand firmly on the side of justice and the protection of our children,” dagdag pa nito.
Nanawagan din si Garin sa bawat isa na igiit ang pangangailangan na mapanagot ang may sala at mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
“We must hold accountable those who would harm the innocent, and we must demand that our leaders do the same,” dagdag pa ni Garin.
More Stories
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY
PAGSISIKAP NG MARCOS ADMIN SA DIGITAL LITERACY NG MGA MATANDA, WELCOME KAY TIANGCO