ITINALAGA ni President-elect Bongbong Marcos ang abogadang si Cheloy Garafil bilang chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sa kasalukuyan, si Garafil ang service director ng Committee on Rules ng House of Representatives.
Nagsilbi rin itong prosecutor ng Department of Justice (DOJ) at state solicitor sa Office of the Solicitor General (OSG).
May hawak din si Garafil ng master’s degree sa National Security Administration mula sa National Defense College at isang Philippine Air Force reservist na may ranggo na Lieutenant-Colonel.
Naging reporter siya sa Philippine Daily Globe, Central News Agency, Associated Press at Malaya.
Itinalaga naman bilang Transportation undersecretary for rails si Cesar Chavez, dating chief of staff ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at naging deputy administrator ng LRT Administration.
Samantala, si Christopher ‘Chet’ Pastrana naman ang uupong general manager ng Philippine Ports Authority (PPA) ng bagong administrasyon.
Ngayon, presidente at CEO ng CAPP Industries si Pastrana at chairman ng Archipelago Philippines Ferries Corp., ang operator ng FastCat ferries.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?