INANUNSIYO ni Mayor Emeng Pascual na sinimulan na kaninang umaga ang pamamahagi nila ng regalo para sa lahat ng senior citizen ng Gapan City sa Nueva Ecija na nag-birthday nitong Enero, Pebrero at Marso ng kasalukuyang taon.
Binigyang diin ni Pascual na ang munting regalo ay upang maipadama ang pagpapahalaga at pagmamahal para sa mga senior citizen. “Magpahaba po kayo ng buhay at alagaan ang inyong kalusugan.. mahal na mahal ko po kayo,” sa alkalde.
Ang regalo sa mga nakatatanda ng Gapan City ay isang cake at cash gift kasama na ang birthday card.
Sinabi rin ni Pascual na hindi na kailangan pang pumunta sa mga barangay hall dahil mismong ihahatid ang mga naturang regalo sa kanilang mga tahanan upang hindi mahawa ng COVID-19.
More Stories
MAYOR BELMONTE, CITY TREASURER OFFICE BINIGYAN NG AWARD NG QC COUNCIL
Private Equity Fund investments boost Philippine pension fund Macquarie Asset Management pays out $272 Million or PHp 15.8B to GSIS
Gobyerno, politiko at botante ang magpapahirap sa Pilipino!