SINIMULAN na ng lokal na pamahalaan ng Cainta ang pamamahagi ng tradisyunal na Chinese herbal medicine na Lianhua Qingwen sa mga COVID-19 patients na may mild symptom.
Saad ni Cainta Mayor Kit Nieto, ang nasabing gamot ay ipagkakaloob sa mga doktor, at nasa sa kanila na kung papaano ito ibibigay sa mga pasyente.
“Mayroong mga doktor na assigned for them to take it. They are mature enough to check on it and make sure it is something that has efficacy and that is not detrimental to their (patients’) health,” saad ni Nieto sa panayam sa 24-Oras.
Wika niya na ang herbal medicines ay ibibigay bilang suplemento at hindi bilang panggamot sa COVID-19 para sa mga pasyente na naka-home quarantine sa naturang bayan.
“Ang case nila ay mild to moderate. Lahat ng naka-home quarantine, may naka-assign na doktor sa kanila at tatawag sa kanila everyday. ‘Pag sinabi ng doktor na hindi, hindi. ‘Pag sinabi ng doktor na puwede, puwede,” ani ni Nieto.
“It’s really up to them because I trust them that based on their knowledge, they would exactly know how to treat and manage these COVID pateints,” dagdag pa niya.
Ang naturang gamot ay aprubado ng Food and Drug Administration para sa sakit sa baga, lagnat at iba pang sintomas, ngunit hindi pa ito natatakan para maging gamot laban sa COVID-19.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA