January 23, 2025

GAMOT LABAN SA KANSER, DIABETES AT MENTAL ILLNESS ‘DI NA PAPATAWAN NG BUWIS

PINALAWIG ng Food and Drug Administration (FDA) ang listahan ng mga gamot na exempted sa value-added tax (VAT).

Pitong gamot ang idinagdag sa listahan para tulungan ang mga pasyente na may kanser, diabetes at mental illness na mabawasan ang gastusin.

Kabilang sa karagdagang gamot na hindi na papatawan ng buwis ang mga Diabetes Medicine tulad ng na Sitagliptin: Film-coated tablet (25 mg, 50 mg, 100 mg); Sitagliptin (as hydrochloride) + Metformin Hydrochloride: Film-coated tablet (50 mg/1 g, 50 mg/850 mg); Sitagliptin (as hydrochloride monohydrate): Film-coated tablet (25 mg, 50 mg); Linagliptin: Film-coated tablet (5 mg).

Gayundin ang Cancer Medicines na Degarelix: Freeze-dried powder for solution for injection (80 mg and 120 mg); Tremelimumab: Concentrate for solution for infusion (25 mg/1.25 mL, 20 mg/mL).

Pasok din sa talaan ng VAT-exempt ang mga gamot sa Mental Illness na Clomipramine Hydrochloride: Film-coated tablet (25 mg); Chlorpromazine (as hydrochloride): Tablet (200 mg); Midazolam: Film-coated tablet (15 mg.)