NASA mabuting gabay at kamay ang Games and Amusement Board (GAB) kahit na hindi pa nabubuo ang panibagong Board sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos.
Ang isa sa sangay ng pamahalaan sa lokal propesyonal sport ay nasa timon ngayon ni Atty. Erman U. Benitez officer-in-charge ng ahensiya kung saan ay smooth naman ang operasyon ng GAB partikular sa pagkalinga sa ating mga propesyunal na atletang dumadayo sa ibang bansa upang makipag -bakbakan sa ibang lahi para sa premyo at para sa bayan.
Katuwang ni OIC Benitez si Dr. Bong Garcia – Chief, Professional Basketball and other Professional Sports Division.
Ang mandato ng Games and Amusement Board ( GAB) ay nagre-regulate at nangangasiwa ng professional sports at allied activities to combat upang mapigilan ang ploriperasyon ng mga illegal bookies joints at iba pang uri ng organized illegal gambling na konektado sa play -for-pay sports at amusement games.
Mahusay namang napapangasiwaan ng kasalukuyang officer-in- chage at kanyang mga kaagapay sa operasyon ng GAB dahil tuluy-tuloy na rin ang mga aktibidades ng mga professional sports sa bansa at patuloy ang pakikibaka ng mga Filipino pro athletes sa lokal at dayuhang eksena.
Gayunpaman ay hangad na rin ng publiko ang mabuo na ang Board sa lalong madaling panahon upang rumatsada na ang sistema at mandato na babalikatin ng panibagong pamunuan na may posibilidad ng ratensyon sa may timon ngayon.
More Stories
Gatchalian sa DOLE: Gumamit ng proactive approach para kanselahin ang permit ng mga dayuhang manggagawa ng POGO
MARCOS: MAGDASAL, MAGKAISA SA GITNA NG SUNOD-SUNOD NA KALAMIDAD
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS